7 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, masusing iniimbestigahan ng QCPD

NAGSASAGAWA ng masusing imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) upang matiyak ang sanhi ng pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez o James Gibbs sa tunay na buhay.

Ayon kay Police Major Don Llapitan, Hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ang aktor na nakaupo sa kwarto nito na walang malay, dakong alas tres ng hapon noon linggo, na may tama ng bala sa kanang sentido at hawak pa nito ang ginamit na baril.

Isinugod si Valdez sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Bilang bahagi ng standard operating procedure, isinailalim sa paraffin test ang lahat ng nakatira sa bahay at hinihintay pa ang resulta nito, pati na ang ballistic tests.

Ang pitumpu’t anim na taong gulang na si Valdez ay pumasok sa showbiz noong 60s at simula noon ay ginampanan nito nang mahusay ang mga ibinigay sa kanyang karakter, mapa-pelikula man o telebisyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *