22 April 2025
Calbayog City
National

Pagkakaugnay ni Alice Guo sa isang Guo Hua Ping, itinanggi ng abogado ng suspended Bamban Mayor

KINONTRA ni Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang panibagong alegasyon sa kanya ni Senador Sherwin Gatchalian na posibleng siya si “Guo Hua Ping” na isang Chinese. 

Sa kanyang statement na ipinadala sa senado, iginiit ni Guo na hindi niya alam o wala siyang kinalaman sa mga dokumentong ipinakita ni Gatchalian na mula sa Board of Investments at Bureau of Immigration.

Nanindigan ang suspendidong alkalde na ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo, batay sa kanyang birth certificate. 

Binigyang-diin pa ng suspended mayor na mayroon siyang Philippine Passport na inisyu ng DFA at kumukuha rin siya ng Chinese Visa tuwing magtutungo sa China. 

Mayroon din anya siyang mga negosyo, personal properties, at lupa sa Pilipinas at nagbabayad ng buwis. 

Iginiit pa ni Guo na nanalo siya bilang alkalde dahil siya ay isang lehitimong residente ng Bamban, Tarlac.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *