POSIBLENG magresulta sa mas malaking gulo ang mga mapangahas na hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Pentagon Press Secretary Pat Ryder, kasabay ng pagtiyak na patuloy na maninindigan ang Amerika para sa Pilipinas na malapit nitong kaalyado.
Kinondena rin ni Ryder ang labis-labis at iresponsableng aksyon ng China para pigilan ang Pilipinas sa pagpapatupad ng lehitimong maritime operation sa South China Sea.
Sinegundahan din ng Pentagon Official ang naunang statement ni US Defense Secretary Lloyd Austin na dapat protektahan ang Philippine Maritime Claims.