SINUSPINDE ng COMELEC ang kanilang preparasyon para sa kauna-unahang BANGSAMORO Parliamentary Elections simula ngayong Miyerkules.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ito ay bilang pagtalima sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Supreme Court sa Poll Body at sa BANGSAMORO Transition Authority.
Ang inisyung TRO ay para pigilan ang pagpapatupad ng batas para sa muling pagbabahagi ng pitong Seats na orihinal na inilaan sa Sulu.
Hindi rin matiyak ni Garcia kung matutuloy sa Oct. 13, 2025 ang Halalan, sa gitna ng pagtigil sa kanilang paghahanda.




