POSITIBO ang Eastern Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na aaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na isailalim ang buong rehiyon sa State of Calamity bunsod ng 3-Ton Load Limit na ipinatutupad sa San Juanico Bridge.
Sinabi ni RDRRMC Chairman Lord Byron Torrecarion na sa pamamagitan ng deklarasyon ay mabilis na matutugunan ng Regional Line Agencies at Local Government Units ang mga problemang idudulot ng limitadong access sa mahalagang tulay na nag-uugnay sa Leyte at Samar provinces.
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Ang ipinatupad na Load Restrictions simula noong May 15 ay nagdulot ng pagka–stranded ng mahigit dalawandaang mga sasakyan at tinayang magreresulta ng Monthly Economic Losses na mula 300 million hanggang 600 million pesos.
Ayon sa NDRRMC, direkta nitong maaapektuhan ang supply ng pagkain at petrolyo, maging ang delivery ng healthcare services, commercial distribution, at regional trade.
Noong Biyernes ay inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangulo na ideklara ang State of Calamity sa buong Region 8 upang mapabilis ang pagre-release ng kinakailangang pondo na may kaugnayan sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.
