MAS maraming Pilipino na naghahanap ng pag-ibig ang nabibiktima ng scams tuwing Pebrero, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Sinabi ng ahensya na hanggang labinlimang Pinoy kada araw ang nabibiktima ng online love scams kapag buwan ng pag-ibig.
Paliwanag ni CICC Executive Director Alexander Ramos, very emotional ang mga Pinoy at dahil sa attitude na ito ay maaring i-program sa artificial intelligence kung paano isasagawa ang pang-gagantso.
Binalaan din ng CICC ang publiko na ilang profile pictures sa social media ay “too good to be true” kaya palaging i-check kung ang may-ari nito ay mayroong tagged photos.
Isa pang warning ay kapag tumanggi ang kausap na mag-video call, at ang higit na dapat ika-alarma ay kapag nanghingi na ito ng pera o nag-imbita na mag-invest sa kung saan.