2 May 2025
Calbayog City
Local

Pagbabantay sa 12 election hotspot areas sa Leyte at Samar, pinaigting ng militar

PINAIGTING ng 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army ang kanilang pagbabantay sa labindalawang lugar sa Leyte at Samar na itinuturing na election hotspots bago ang halalan sa Mayo a-dose.

Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd IB, na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa PNP upang matiyak ang kaligtasan ng eleksyon.

Aniya, malaking bilang ng tropa ng pamahalaan ang idineploy sa mga lugar na nasa ilalim ng yellow at orange categories, o mga mayroong kasaysayan ng election-related incidents sa mga nakalipas na halalan at posibleng gumagamit ng private armed groups, gayundin ang mga lugar na may presensya ng mga komunistang rebelde.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng yellow category ang mga bayan ng Palompon, Villaba, Hilongos, Albuera, at Tabontabon sa Leyte; at mga bayan ng Basey at Pinabacdao sa Samar.

Isinailalim naman ng COMELEC sa orange category ang mga bayan ng Leyte, Calubian, San Isidro, Tabango, at Baybay City sa lalawigan ng Leyte.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).