18 November 2025
Calbayog City
Entertainment

Jackie Forster, nagsalita na sa hiwalayan ng anak na si Kobe at Kyline Alcantara

NAGLABAS ng statement sa pamamagitan ng social media si Jackie Forster tungkol sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Kobe Paras at Kyline Alcantara.

Sa halos labinlimang minutong video, kinumpirma ni Jackie na break na sina Kobe at Kyline, kasabay ng pagtatanggol sa kanyang anak mula sa cheating allegations.

Ayon sa dating aktres, noong una ay nais ng kanilang pamilya na manahimik sa gitna ng breakup issue subalit hindi na niya gustong kumalat pa ang mas maraming akusasyon.

Sinabi ni Jackie na January pa lamang ay nagsisimula nang masira ang relasyon nina Kobe at Kyline matapos ang kanilang biyahe sa Amerika.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).