INATASAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Ang Bureau of Plant Industry (BPI) na inspeksyunin ang cold storage facilities ng mga sibuyas upang mapigilan ang hoarding at price manipulation.
Ginawa ni Tiu Laurel ang direktiba sa gitna ng mga pangamba na posibleng hindi umabot sa merkado ang mga bagong aning sibuyas.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Binigyang diin ng kalihim na ang pag-iimbak ng mga aning sibuyas sa pagsisimula ng harvest season ay maituturing na “hoarding.”
Idinagdag ni Tiu Laurel na ang pag-iimbak ng mga ani, ay dapat gawin sa kalagitnaan o pagtatapos ng harvest season.
Inihayag ng DA chief na malalaman niya kung may nagtatago ng mga sibuyas sa cold storage facilities, bukas o sa huwebes.
