UMAASA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineering Office sa Biliran na matatanggap ang 30 million pesos na kinakailangang pondo upang masimulan ang pagkukumpuni sa lumang tulay na ginagamit ng mga residente para makatawid sa Leyte.
Sinabi ni DPWH-Biliran Chief Irwin Antonio na kailangang makumpuni agad ang Biliran Bridge matapos madiskubre ang iba’t ibang problema sa integridad nito makaraang isailalim sa assessment.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Sa resulta ng assessment na isinagawa noong Disyembre, tinukoy ng technical engineers ang ilang damage sa bridge stringers, steel cross bracing, loose nuts and bolts, at build-up sections ng spans 4 at 3, bunsod ng corrosion at exposure sa tubig-alat, at araw-araw na pagdaan ng mabibigat na sasakyan.
Bunsod nito, limitado lamang sa magagaan at maliliit na sasakyan ang pinapayagang tumawid sa Biliran Bridge.
