Nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 ang mahigit P8.6 million na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Davao City.
Ang 431 master cases ng smuggled na yosi ay nasabat ng mga otoridad sa Purok 19, Cabanes Road, Brgy. Ilang kasunod ng natanggap na report hinggil sa abandonadong mga sigarilyo sa isang warehouse.
ALSO READ:
17.8-Billion Peso Flood Control Projects, isiningit sa Budget ng Oriental Mindoro simula 2022 hanggang 2025, ayon sa gobernador
Mas matibay na Panguil Bay Bridge tiniyak ng DPWH
P500K reward alok sa magbibigay impormasyon sa anomalya sa Cebu flood control
2y/o na bata sa Cagayan inoperahan sa puso; walang binayaran dahil sa Zero Billing Program
Maliban sa sigarilyo, natagpuan din sa warehouse ang isang kalibre 45 na baril, P5,000 halaga ng tobtas, at iba pang kagamitan.
Dinala na sa Bureau of Customs – Port of Davao ang nakumpiskang mga sigarilyo habang ang ilegal na gamot ay dinala sa Davao City Forensic Unit 11 para sa forensic examination.