Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P67 million na catchwall project sa Brgy. Cabacungan, Calbayog City.
Ang proyekto ay may haba na 22 meters na kinapapalooban ng kontruksyon ng Portland Cement Concrete Pavement na nagpapalawak sa kalsada.
ALSO READ:
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Naglagay din ng labingdalawang LED solar lights sa lansangan.
Ayon sa DPWH Region 8 ang bahaging ito ng Maharlika Highway ay delikado sa mga motorista dahil sa mga insidente ng landslide o soil erosion.
Dahil sa natapos na proyekto, nagkaroon ng suporta sa gilid ng kalsada sakaling makaranas ng pagguho ng lupa.
