Pinaaaksyunan ng Palasyo ng Malakanyang sa Presidential Security Command ang banta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pahayag ito ng Presidential Communications Office (PCO) kasunod ng banta ni VP Sara na may kinontrata na siya para patayin ang pangulo.
Ayon sa PCO agad itong ini-refer sa PSC para sa agarang aksyon.
“Acting on the Vice President’s clear and unequivocal statement that she had contracted an assassin to kill the President if an alleged plot against her succeeds, the Executive Secretary has referred this active threat to the Presidential Security Command for immediate proper action,” sinabi ng PCO.
Sinabi ng PCO na anumang banta sa buhay ng pangulo ng bansa ay dapat seryosohin at hindi balewalain.