Umabot na sa 33,079 ang kaso ng breast cancer sa Pilipinas ngayong taong 2024.
Ayon sa Department of Health (DOH) sa nasabing bilang 17.5% ay bagong kaso,
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Ito pa rin nangungunang uri ng cancer sa bansa.
Dahil dito sinabi ng DOH na mas paiigtingin pa ang kampanya sa early screening at detection para maagapan ng maaga ang breast cancer.
Kamakailan, inilunsad ang Breast Cancer Early Detection Services sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo City, bilang parte ng malawakang kampanya ng DOH kaugnay ng breast cancer.
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa kinakailangang batid ng mga kababaihan ang kahalagahan ng regular breast screening. Mas mataas aniya ang tyansang gumaling ang sakit kung ito ay maagang nade-detect at natutugunan.
