5 July 2024
Calbayog City
Metro

P6.8-M halaga ng shabu, nakumpiska mula sa 4 na naarestong suspek sa Pasay City

shabu

Tinatayang 6.8 million pesos na halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng otoridad mula sa apat na suspek sa Pasay City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina alyas Kent, alyas Alba, alyas Omar at alyas Carlo.

Ayon sa report, pinangunahan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4a Calabarzon at Baclaran Substation ng Pasay City Police ang joint operation sa Roxas Boulevard Service Road, Cuneta Avenue, Brgy. 76, sa nasabing lungsod na nagresulta ng pagkakaaresto ng apat na suspek.

Narekober ng otoridad ang isang kilo ng hinihinalang shabu na kaagad dinala sa tanggapan ng PDEA 4a kasama ang apat na suspek upang isailalim sa dokumentasyon at sampahan ng kaukulang kaso laban dito.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *