Nag-alok ng kalahating milyong pisong reward si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco para sa makapagbibigay ng impormasyon sa anomalya sa flood control projects sa distrito.
Ayon kay Fracso, kung mayroong credible na impormasyon tungkol sa anomalya at iregularidad sa DPWH flood control projects sa ikalimang distrito ng Cebu, maaari itong itawag sa Citizens’ Complaint Hotline na 8888.
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Kung ang impormasyon ay credible at makatutulong sa pagsiwalat ng anomalya, pagkakalooban ng reward ang impormante.
Ayon sa mambabatas, ang hakbang ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos na magkasa ng nationwide investigation sa mga maanomalyang proyekto.
Tiniyak ni Frasco na hindi palalagpasin sakaling ay makitang iregularidad at palpak na proyekto sa distrito.
