INILUNSAD ng Philippine Airlines (PAL) ang bagong Cebu-Calbayog Route, upang palakasin ang Air Connectivity sa buong Visayas Region.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), lumapag ang Inaugural Flight sa Calbayog Airport noong Linggo ng 8:42 A.M. at bumalik ng Cebu ng 9:20 A.M.
ALSO READ:
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Tri-City Specialty Justice Zone, ilulunsad ng JSCC sa Eastern Visayas para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation sa mga bata
NHA Eastern Visayas, nagtakda ng Condonation para sa mga delingkwenteng benepsiyaryo ng pabahay
Mag-o-operate ang PAL sa nasabing ruta, apat na beses sa loob ng isang Linggo, tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo, bilang bahagi ng kanilang hakbang na pagbutihin ang Regional Travel at suportahan ng Local Economic Activities.
Sinabi ni CAAP Director General Raul Del Rosario na layunin ng bagong ruta na gawing mas Accessible ang biyahe, isulong ang turismo, at makatulong sa paglago ng kalakalan.
