5 July 2024
Calbayog City
National

P2M na danyos isinampa ng journalist na si Atom Araullo laban kay Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

NAGHAIN ang broadcast journalist na si Atom Araullo ng 2 million pesos na damage suit laban sa SMNI hosts na sina Lorraine Badoy ay Jeffrey Celiz, para sa damages at injuries na kanyang tinamo bunsod ng mapanirang pahayag na ipinakalat ng dalawa.

Sinabi ni Araullo na nakaapekto na sa kanyang trabaho ang pag-redtag sa kanya, at pati na ang kanyang pamilya ay naaapektuhan na rin.

Aniya, bukod sa personal effect, ang red-tagging ay bahagi ng mas malaking kampanya upang sikilin ang press.

Inihain ni Araullo ang reklamo, electronically noong linggo, at kahapon ay sinamahan siya ng kanyang mga abogado mula sa Movement Against Disinformation (MAD) sa pagpa-file ng kaso nang personal sa Office of the Prosecutor sa Quezon City.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *