PINALAWAK ng pamahalaan ang 20 Pesos Per Kilo Rice Program sa tatlumpu’t dalawang karagdagang Kadiwa Centers sa mga lalawigang malapit sa Metro Manila, simula ngayong Huwebes.
Ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing accessible sa nakararaming Pilipino ang abot-kayang presyo ng bigas.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Binigyang diin din ni Castro na ang programa ay hindi pang-eleksyon lamang, gaya ng ipinahihiwatig ng iba.
Sinabi ng Palace official na ang murang bigas ay magiging available na sa tatlumpu’t dalawang Kadiwa Centers sa Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Mindoro. Sa kasalukuyan, ang bente pesos na kada kilo ng bigas ay mabibili sa iba’t ibang Kadiwa sa Metro Manila.
