PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng relief assistance sa mga pamilyang nawalan ng tirahan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tino sa hinunangan, Southern Leyte.
Kabuuang 445 na mga residente ang tumanggap ng tig-sampunlibong pisong cash aid, pati na food packs, inuming tubig at non-food items, bilang bahagi ng Recovery Assistance Program ng ahensya para sa mga biktima ng bagyo.
Sinabi ni Gatchalian na magbibigay din ang DSWD ng tulong pinansyal sa mga pamilya na bahagyang nasira ang bahay, hindi lamang sa hinunangan kundi sa buong Southern Leyte.
Bawat pamilya aniya ay makatatanggap ng tig-limanlibong pisong cash assistance.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakapagtala ang Southern Leyte ng 6,697 destroyed houses at 21,862 partially damaged homes bunsod ng bagyo.




