TARGET ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang tatlumpu’t isanlibong mga bata, senior citizens, at mga buntis laban sa iba’t ibang sakit sa Calbayog City, sa Samar.
Ayon sa DOH, ang vaccination drive na nagsimula kahapon hanggang sa April 30 ay bahagi ng obserbasyon para sa World Immunization Week.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ang mga sanggol na hanggang isang taon ay makatatanggap ng bakuna laban sa tuberculosis, polio, pneumonia, tigdas, beke, rubella, at pentavalent vaccine.
Ang mga senior citizen naman ay makakakuha ng flu at pneumonia shots habang ang mga babaeng siyam hanggang labing apat na taong gulang ay makatatanggap ng HPV vaccine, at ang mga buntis ay tuturukan ng tetanus-diphtheria vaccine.
