Umangat sa rank 16 ang 106 TRABAHO Partylist sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kakalabas lang para sa Abril 2025.
Ang patuloy na pag-angat ng grupo ay sang-ayon din sa isa pang survey na inilabas rin ng SWS kung saan mas iboboto ng mga Pilipinong botante ang mga kandidatong nagsusulong ng job creation at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa gaya ng TRABAHO, bilang 106 sa balota.
Ang range placement ng grupo para sa Abril 2025 ay 16-18 na pwesto- isang malaking pagtalon mula sa 31-39 noong Marso 2025.
Ang kasalukuyang ranggo ng TRABAHO ang pinakamataas rin umano nitong placement sa lahat ng buwanang survey na inilabas ng SWS magmula pa noong Disyembre 2024.
Ngunit kung tutuusin, simula pa noong Disyembre 2024 ay angat na ang grupo dahil nakaprente ito sa rank 18 noong Disyembre noong nakaraang taon hanggang pa-Enero ngayon taon.
Tugma rin ang pagtaas ng TRABAHO sa resulta ng iba pang kilalang survey firms.
Sa survey ng WR Numero Research mula Marso 31 hanggang Abril 7, pumalo sa ika-13 na pwesto ang 106 TRABAHO Partylist—mula sa ika-50, sa loob lamang ng halos dalawang buwan.
Gayunpaman, mukhang hindi naman nakakampante ang grupo dahil kita sa kanilang Facebook page na masigasig pa rin ang kanilang mga kampanyang house-to-house at tao-sa-tao na hindi lamang limitado sa National Capital Region.
Sa katunayan, pati ang celebrity advocate na ito na si Melai Cantiveros-Francisco ay todo suporta pa rin sa mga plataporma ng TRABAHO para sa mga manggagawa.
“TRABAHO lang tayo ng TRABAHO Partylist”, sey ng PBB host at working mom sa kanyang mga social media story habang siya ay naghahanda sa kanyang mga pang-araw araw na trabaho.