Makikipag-ugnayan ang Office of the Vice President sa opisina ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang itinalagang sponsor sa proposed 2025 budget ng OVP sa plenaryo sa Kamara, kasunod ng pagpapaliban ng house panel sa budget deliberation.
Gayunman, sinabi ni OVP Spokesperson, Atty. Michael Poa, na wala pang eksaktong petsa kung kailan ang magiging pag-uusap sa pagitan ng OVP at opisina ni Adiong.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Noong Martes ay ipinagpaliban ng House Committee on Appropriations ang pagtalakay sa 2-billion peso proposed budget ng OVP para sa 2025, kasunod ng pag-iwas ni Vice President Sara Duterte na sagutin kung paano ginagastos ng opisina nito ang budget.
Bilang budget sponsor ng OVP, inihayag ni Adiong na dapat ay magbigay ng sapat na kasagutan ang bise presidente para makuha ang approval sa hinihinging budget.
