GUMAWA ng kasaysayan si Adrien Brody para sa longest oscars acceptance speech nang tanggapin nito ang best actor award sa 97th academy awards.
Kinilala ang aktor sa kanyang pagganap sa “The Brutalist,” para sa kanyang ikalawang tropeyo mula sa dalawang nominasyon sa kaparehong award, mahigit dalawang dekada na ang nakalipas para sa pelikulang “The Pianist.”
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Kinumpirma ng Guinness world records na ang five minutes and 40 seconds na latest speech ni Brody ang pinakamahaba sa kasaysayan ng oscars, sa ngayon.
Binasag nito ang 82-year-old record na hawak ni greer gerson noong 1942 nang manalo ito ng best actress para sa “Mrs. Miniver” na mayroong five minutes and 30 seconds.
