14 November 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist, suportado ang pagbaba ng inflation; isusulong ang benepisyo at programa sa trabaho

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang inflation rate ng bansa sa 2.1% nitong Pebrero 2025 mula sa 2.9% noong Enero, na siyang pinakamababang antas mula Setyembre 2024. Ang pagbaba ng inflation ay pangunahing dulot ng mas kontroladong pagtaas ng presyo sa pagkain at mga non-alcoholic beverage, pabahay at kuryente, pati na rin sa mga restawran at serbisyo sa akomodasyon.

Nagpahayag ng positibong tugon si TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu sa naturang ulat, at sinabing ito ay isang magandang pagkakataon upang higit pang isulong ang mas mataas na sahod, karagdagang mga benepisyo, at mas malawak na oportunidad sa trabaho.

Ayon kay Atty. Espiritu, dapat maramdaman ng mga manggagawa ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng mas matatag na seguridad sa trabaho at patas na kompensasyon. Kaya naman patuloy nilang paiigtingin ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang matiyak na makikinabang ang mga manggagawa sa bumubuting kalagayan ng ekonomiya.

Kasama sa kanilang mga hakbang ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong kompanya at industriya upang hikayatin ang mas maraming regular na empleyo sa halip na kontraktwalisasyon. Sisiguraduhin din nilang natatanggap ng mga manggagawa ang nararapat na benepisyo tulad ng health insurance, retirement plans, at bayad na leave.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).