KINUMPIRMA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang presensya ng nakalalasong Red Tide sa mga water sample na kinolekta sa dalawang katubigan sa Samar.
Batay sa laboratory results ng BFAR, positibo sa Red Tide ang Irong-irong Bay sa Catbalogan City sa Samar at Matarinao Bay sa General Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Bunsod nito, pinayuhan ng BFAR ang publiko na iwasang humango, magbenta, at kumain ng lahat ng uri ng shellfish, gaya ng tahong at talaba, at alamang, sa mga nabanggit na katubigan.
Ligtas namang kainin ang iba pang lamang dagat, gaya ng mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t sariwa at alisin ang mga hasang at bituka, saka hugasang mabuti bago iluto.
