MAS mahaba ang operasyon ng LRT-2 at MRT-3 sa simula ngayong araw December 9 hanggang December 30 para maserbisyuhan ang mga commuter ngayong Holiday Season.
Sa abiso ng Department of Transportation, simula ngayong Martes, December 9 ang last train galing LRT-2 Antipolo Station ay alas diyes ng gabi at ang last train galling LRT-2 Recto Station ay alas diyes y media ng gabi.
Ganito rin ang susunding schedule sa araw ng pasko, December 25.
Pero sa Christmas Eve, December 24 at sa New Year’s Eve, December 31 magpapatupad ang LRT-2 Shortened Service Schedule.
Sa December 24 ang last train mula Antipolo Station ay alas otso ng gabi at ang galing Recto naman ay alas otso y media ng gabi.
Sa December 31 naman ang last train mula Antipolo Station ay alas syete ng gabi at ang galing Recto naman ay alas syete y media ng gabi.
Simula January 1, 2026 magbabalik na ang regular operations ng LRT-2.
Samantala, ang MRT naman ay magpapatupad ng reduced train schedule sa December 24 at 31 at adjusted schedule para sa December 25 at January 1.
Sa December 24 at 31, ang last train mula sa North Avenue ay 7:45 ng gabi at ang last train mula Taft ay 8:23 ng gabi.
Sa pasko at bagong taon, ang first trip mula North Avenue at Taft ay 6:30 ng umaga at ang last trip mula North Avenue ay 10:30 ng gabi at ang 11:09 naman ang last trip sa Taft.




