MAAARI nang makapag-renew ng Driver’s License online sa pamamagitan ng eGovPH App.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, mas magiging komportable na, matipid at mabilis ang pagre-renew ng Driver’s License dahil hindi na kailangang magtungo sa mga tanggapan ng LTO.
Kailangan lamang mag-install ng eGovPH App sa Smartphones na available sa App Store at Google Play.
Sa eGov App, hanapin lamang ang mga icon, i-click ang LTO, piliin ang Online Driver’s Application at i-click ang “renew your driver’s license.”
Mula doon ay isasagawa na ang mga proseso gaya ng pag-upload ng larawan ng harap at likuran ng Physical Driver’s License, Verification at pag-upload ng picture ng aplikante.
Pinayuhan ng LTO ang mga aplikante na para sa mas mabilis at Hassle-Free Online Application, tiyaking handa na ang mga requirements gaya ng Medical Exams na maaari na ring gawin online sa pamamagitan ng LTO Portal, at ang nakumpletong Driver’s Enhancement Program.
Sa online na din babayaran ang Renewal ng Driver’s License at maaaring mamili ng iba’t ibang paraan sa pagbabayad.
Pagkatapos ng proseso ay agad makikita ang bagong e-License at maaari ding makuha i-book ang delivery ng Physical License o kaya ay i-pick up ito sa pinakamalit na LTO District Office.