HIWALAY na umano sina Olivia Rodrigo at Louis Partridge matapos ang dalawang taong pagdi-date, ayon sa British newspaper na The Sun.
Sa report ng Outlet, sinabi umano ng isang source na nagpasya ang magkasintahan na tapusin na ang kanilang relasyon, ilang buwan na ang nakararaan.
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Inihayag ng newspaper na napaiyak si Olivia sa star-studded santa party ni Lily Allen sa London kasunod ng breakup.
Ang split rumors ay kasunod ng pagpapahayag ni Louis ng kanyang paghanga kay Olivia nang mag-headline ito sa Glastonbury ngayong taon, na isang major music festival sa England.
Marami ang kinilig na fans noong Oktubre ng nakaraang taon nang mamataan ang dalawa sa Ninoy Aquino International Airport, para sa “guts” concert ni Olivia sa Pilipinas.
