HINILING ng ilang grupo ng transportasyon kay Department of Transportation Secretary (DOTr) Secretary Vince Dizon na mag-appoint ng mga bagong opisyal na mangangasiwa sa Public Transport Modernization Program (PTMP).
Sa liham na ipinadala kay Dizon nina Roberto “Ka Obet” Martin ng Pasang Masda, Melencio “Boy” Vargas ng ALTODAP, at Liberty De Luna ng ACTO, iginiit nila na ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal ang tanging paraan para mapabilis ang modernization program.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Inihirit din ng national presidents ng transport groups na ang piliin ni Dizon ay bihasa na sa programa at batid ang mga problema sa pagpapatupad, gayundin ang nararapat na solusyon.
Inaasahan din ng transport leaders na makakausap nila ang kalihim at iba pang transport officials para talakayin ang PTMP.