PINAPAYAGAN ang mga opisyal ng barangay na lumahok sa partisan political activities, gaya ng pangangampanya, subalit hindi sa oras ng kanilang trabaho.
Ginawa ni COMELEC Chairman George Garcia ang pahayag, kahapon o isang araw bago ang simula ng campaign period para sa local bets, ngayong Biyernes.
ALSO READ:
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Ipinaalala ni Garcia na ang paggamit ng bayad na oras para mangampanya para sa mga lokal na kandidato ay nasa ilalim pa rin ng pag-abuso sa state resources.
Idinagdag ng poll chief na ang mga tauhan at opisyal ng barangay ay binabayaran para magtrabaho simula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon, at hindi para mangampanya para sa mga kandidato.
Ipinagbabawal din aniya ang paggamit ng barangay resources sa mga kampanya.
