DAHIL sa matinding galit, sinunog ng janitor ang isang paaralan sa san Carlos City, Negros Occidental.
Inamin ng janitor na sinunog niya ang bodega ng Daisy’s ABC School bilang paghihiganti matapos siyang sibakin sa trabaho.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Mabilis na kumalat ang apoy sa school building at umabot pa sa ancestral house ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo sa Ylagan Street.
Wala naman ang alkalde sa bahay nang mangyari ang insidente.
Kabilang din sa nadamay sa sunog ang makasaysayang business building sa Locsin Street na pag-aari ng lolo ni Mayor Gustilo.
Nakakulong na ang janitor sa San Carlos Police Station at nahaharap sa kasong arson.
