Bibiyahe patungong North Korea si Russian President Vladimir Putin para sa dalawang araw na pagbisita.
Ayon sa Kremlin, ito ang kauna-unahang biyahe ni Putin sa Pyongyang sa loob ng mahigit dalawang dekada at upang ipakita ang lumalalim na relasyon ng dalawang bansa.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Isa rin ito sa pambihirang overseas trip ni Putin mula nang ilunsad ang full-scale invasion ng Russia sa Ukraine noong 2022 at itinuturing naman na key moment para kay North Korean Leader Kim Jong Un, na makapag-host ng isa pang world leader, simula noong Covid-19 Pandemic.
Kasunod ng pagbisita sa North Korea ay didiretso si Putin sa Hanoi para sa dalawang araw ding biyahe, bilang patunay ng ugnayan ng Vietnam at Russia.
