NAKUMPLETO na ng Office of Civil Defense (OCD) ang kanilang dalawang buwan na kampanya upang maging handa ang Local Government Units sa Eastern Visayas kung paano maaabot ang pinakamataas na pagkilala para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Binisita ng personnel mula sa OCD Regional Office ang lahat ng anim na lalawigan sa rehiyon simula Enero hanggang Pebrero para sa pagsasagawa ng gawad kalasag seal at humanitarian assistance para sa DRRM Caravan.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sinabi ni Sher Rysiah Saises, Head ng OCD Eastern Visayas DRRM division, na ang Caravan noong Miyerkules ay sa pakikipagtulungan ng mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices at Local Disaster Risk Reduction and Management Officers’ Associations.
Idinagdag ni Saises na ini-rollout ng OCD ang Caravan upang tulungan ang local governments sa paghahanda ng kanilang mga dokumento para sa Gawad Kalasag Award.
