27 April 2025
Calbayog City
National

Dating Pangulong Duterte, nasa kustodiya na ng ICC; inako ang responsibilidad sa madugong drug war

NASA kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) si Dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagdakip sa kanya sa kasong Crimes Against Humanity bunsod ng madugong war on drugs.

Kinumpirma mismo ng ICC ang pag-kustodiya nila kay Duterte, matapos lumapag ang chartered plane na kanyang sinakyan sa Rotterdan the Hague Airport.

Bago mag-landing, naglabas ng video statement ang Dating Pangulo, kung saan sinabi niya na pinamunuan niya ang mga pulisya at militar, at nangakong po-protektahan niya ang mga ito, kasabay ng pag-ako ng responsibilidad sa kampanya kontra iligal na droga.

Naniniwala naman ang ICC na naka-base sa Netherlands, na mayroong “reasonable grounds” para kasuhan si Duterte ng murder bilang Crimes Against Humanity, at bilang “Indirect Co-Perpetrator” sa Anti-Drug Campaign na kumitil ng libo-libong katao, batay sa pagtaya ng Right Groups.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.