NAKAPAGTALA ng rockfall event sa Mayon Volcano, sa Albay, kahapon ng umaga.
Gamit ang seismic at visual monitors mula sa Mayon Volcano Network, nakuhanan ang detachment ng lava mula sa summit crater ng Mayon.
Bumagsak ng debris sa bahagi ng mi-isi gully.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Mayon Volcano at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone.




