Isang pares ng Philippine eagles ang inilipat sa Burauen, Leyte bilang bahagi ng programa ng Philippine Eagle Foundation upang dumami ang kanilang populasyon sa kagubatan.
Sinabi ni Dr. Jayson Ibañez, Director for Operations ng PEF, na ito ang unang pagkakataon na naglipat ng mga agila sa Visayas mula sa Mindanao.
ALSO READ:
 Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
 Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
 Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
 Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Aniya, ang inilipat na pares ang magpaparami ng populasyon ng Philippine eagles sa Mount Anonang Lobi na pangunahing biodiversity area sa Leyte.
Pinangalanan ang mga agila na Uswag at Carlito na kapwa sumailalim sa ilang buwang rehabilitasyon sa Philippine Eagle Center.
Huling namataan ang pares ng mga agila sa Leyte noong 2007 at noong 2012 bago tumama ang super typhoon yolanda noong 2013.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									