Ibinasura ng korte sa Leyte ang drug case na isinampa laban sa drug lord na si Rolan “Kerwin” Espinosa.
Dinismis ng Baybay, Leyte Regional Trial Court Branch 14 ang kaso laban kay Espinosa at sa apat na co-accused dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ipinag-utos din ng korte na isauli kay Espinosa ang 600,000 pesos na bail bond na inilagak nito noong nakaraang taon kapalit ng pansamantala nitong kalayaan.
Gayunman, nahaharap pa rin ito sa kasong money laundering sa isang korte sa Pasay at mayroon pa itong dalawang kasong illegal possession of dangerous drugs at illegal possession of firearms na ipinag-utos ng court of appeals na muling buksan.
Noong 2022 ay binawi ng drug lord ang naunang alegasyon nito laban kay dating senador Leila de Lima, at sinabing tinakot at pinagbantaan siya ng mga pulis para idiin sa drug cases ang dating mambabatas.