Pasok sa Top Artist Global Chart ng Spotify ang girl group na Bini.
Sa post na ibinahagi ng star music, nagpasalamat ito sa fans sa suporta sa Bini matapos maitala ang grupo sa no. 193 ng Spotify’s top artist global chart.
Ang Bini ang kauna-unahang Filipino artist na nakapasok sa nasabing chart ng spotify.
Kamakailan, umabot din sa 6 million ang monthly listeners ng Bini sa spotify.
Nakatakdang idaos ang unang solo concert ng Bini sa June 28, 29 at 30 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Sold out na ang tickets para sa tatlong araw na concert.
ALSO READ:
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Paolo Contis, nagpasalamat kina Lian Paz at John Cabahug sa pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak
