PINALABAS mula sa kulungan si Dating French President Nicolas Sarkozy, tatlong Linggo matapos simulan ang pagsisilbi sa kanyang sentensya sa kasong criminal conspiracy.
Isasailalim ang dating pangulo na mahigpit na judicial supervision at pinagbawalang lumabas ng France bago ang appeal trial na itinakda sa susunod na taon.
October 21 nang sentensyahan ang 70-year old former French president ng limang taong pagkakakulong.
Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y pakikipagsabwatan ni Sarkozy para pondohan ang kanyang 2007 Election Campaign ng namayapang Libyan dictator na si Muammar Gaddafi.




