IBINABA pa ng Department of Agriculture ang presyo ng iba’t ibang klase ng bigas na ibinibenta sa ilalim ng kanilang Kadiwa ng Pangulo Rice-For-All (RFA) initiatives, gayundin ang maximum suggested retail price sa imported rice.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na simula ngayong araw, mababawasan pa ang presyo ng mga bigas sa ilalim ng RFA, na repleksyon ng pagbagsak ng global rice prices at pagtaas ng domestic supply.
Aniya, hanggang tatlong piso kada kilo ang ibinaba sa RFA prices.
Dahil dito, simula ngayong Miyerkules ay mabibili ang RFA-5 sa 43 pesos per kilo, habang 35 pesos ang RFA-25 at 33 pesos ang RFA-100.
Idinagdag ng DA chief na patuloy na magbebenta ang Kadiwa ng Pangulo ng bigas na 29 pesos per kilo para sa vulnerable groups, gaya ng mahihirap, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents.