SUMUKO ang dating police official na sangkot sa umano’y mishandling ng 6.7-billion peso drug haul sa Maynila noong October 2022.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, sumuko si dating PNP Deputy Chief for operations Police Lt. Gen. Benjamin Santos sa criminal investigation and detection group, nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport, kahapon ng madaling araw.
Idinagdag ni Fajardo na ni-release naman si Santos mula sa kustodiya ng pulisya makaraang maglagak ng 200,000 pesos na piyansa.
Ang heneral, kasama ang dalawampu’t walong iba pang mga aktibo at dating pulis, ay nahaharap sa warrants of arrest bunsod ng umano’y paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002, kabilang ang pagtatanim ng ebidensya, at delay at mahinang prosekusyon sa drug cases.