TATLONG suspek na nagpakilalang IT specialists at konektado sa COMELEC ang natimbog sa Marikina City dahil umano sa pagbebenta ng panalo para sa halalan sa Mayo.
Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), inalok ng mga suspek sina Enrile, Cagayan Mayoral Candidate Robert Turingan at Vice Mayoral Candidate Karen Kaye Tavas Turingan ng sure win sa eleksyon kapalit ng 90 million pesos.
Ibinida umano ng mga suspek sa mga biktima na mayroon silang access sa automated result ng halalan.
Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang CIDG kung saan nakipagkita ang mga biktima sa mga suspek sa isang mall sa Marikina.
Nang tanggapin ng mga suspek ang bayad ay agad umaksyon ang CIDG personnel para sila ay arestuhin.