5 July 2024
Calbayog City
Verdad y Opinion

NwSSU, ginawaran  ng “3-star rating” sa QS World University Ranking ng Quacquarelli Symonds 

nwssu

Nakatanggap ng 3-star rating ang Northwest Samar State University sa isinagawang pagsusuri na nakabase sa pagganap nito sa iba’t – ibang kategorya tulad ng pagtuturo, inclusiveness, academic development, employability, facilities, education and training at social responsibility.

Ipinahayag ni University President Benjamin L. Pecayo na ang ratings na natanggap ng unibersidad ang magsisilbing batayan na makapasok bilang isa sa mga kilalang unibersidad sa bansa, at magiging daan upang makahikayat mga dayuhang estudyante na magpapatala. 

Isang indikasyon din aniya ito ng  pagtuturo na nagresulta ng 5 puntos, pinakamataas na marka mula sa anim kategorya. 

Ang QS World University Rankings 2023 ay kinikilala sa buong mundo na ginawa ng Quacquarelli Symonds, ang pinakamataas na tagapaglathala sa mataas na edukasyon, at isa sa pinakamalawak na pinagbabasehan at kagalang-galang na sistema ng pagraranggo. 

Ang pamamaraan ng pagraranggo ay nagmumula sa anim na pangunahing sukatan tulad ng akademikong reputasyon (academic reputation), reputasyon ng employer (employer reputation), faculty/student ratio, citations per faculty, international faculty ratio at international student ratio. 

Bawat sukatan ay mag-aambag sa puntos ng unibersidad. 

Inamin naman ni Dr. Pecayo ang kakulangan ng “foreign o international students” ng NwSSU, mga gurong kinakailangang makapagtapos ng doctorate degree at internationally published researches ng iilang miyembro ng faculty.

gina

Author
A seasoned journalist and a University Professor. She is an advocate of Press Freedom and a former worker of various non-government organizations related to community development and Nation Building.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *