Ginunita ng mga mamamahayag sa Leyte sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang National Press Freedom Day sa Noblejas Junction sa Tacloban City.
Ang mga journalist ay sinamahan ng mga miyembro ng International Human Rights Organization na Amnesty International.
Tiniyak ng grupo na ipagpapatuloy nila ang paggiit sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag sa gitna ng mapanikil na panahon para sa mga journalist, campus press, at human rights defenders sa rehiyon. Sinabi ng NUJP-Leyte na ito ang kanilang “moral imperative” para protektahan ang freedom of the press upang mapangalagaan ang iba pang mga pangunahing karapatan.