Pormal nang natanggap ng San Juan City LGU ang Balangay Seal of Excellence matapos maging kauna-unahang lungsod sa Metro Manila na naideklarang “Drug Cleared” ng Barangay Drug Clearing Program Regional Oversight Committee.
Tinanggap ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang parangal sa seremonya na idinaos 2025 PDEA Annual Awards sa Camp Bagong Diwa.
Masikip na daloy ng traffic sa NLEX aasahan bunsod ng Net25 Family Fun Run
Mag-amang Jejomar at Jun-Jun Binay abswelto sa overpriced Makati City Parking Building
Rainwater impounding facility itatayo sa loob ng Camp Crame
1 sa 5 suspek na nagnakaw ng bag ni COMELEC Chairman Garcia, nasakote na ng mga awtoridad
Sa aktibidad kinilala ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang San Juan City nang makamit ang pagiging “Drug Cleared” ang walang nangyayaring karahasan.
Hinikayat ni Remulla ang lahat ng LGU na panatilihin at paigtingin pa ang mga hakbang para maisulong ang kapayapaan, kaayusan at pag-unlad ng kanil-kanilang nasasakupan.
Samantala sa nasabing seremonya ay kinilala din ni Remulla ang Philippine National Police at PDEA sa mapayapang hakbang nito para malabanan ang paglaganap ng ilegal na gamot sa bansa.