IPINAGDIWANG ni Serbian Tennis Player Novak Djokovic ang kanyang ika-tatlumpu’t pitong kaarawan sa pamamagitan ng pagtatala ng ika-isanlibo at isandaang panalo sa kanyang career.
Pinadapa ng World No. 1 si Yannick Hanfmann ng Germany sa score na 6-3, 6-3, sa second round ng French Open.
ALSO READ:
Leylah Fernandez, pinadapa ang katunggaling Romanian sa Monterrey Open
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, naghahanda na para sa mga susunod na lalahukang High-Profile Tournaments
Creamline, nasungkit ang Bronze Medal sa PVL on Tour matapos ma-sweep ang Cignal
Pagbebenta sa Boston Celtics sa halagang 6.1 billion dollars, inaprubahan ng NBA
Si Djokovic ay pangatlo pa lamang sunod kina Jimmy Connors at Roger Federer na nakaabot sa 1,100-win landmark.
Matapos talunin si Hanfmann, kinantahan ng crowd si Djokovic ng “Happy Birthday” habang ipinapasok sa court ang cake na mayroong mga kandila.