NALAGPASAN ng Bureau of Customs ang kanilang target collection sa unang limang buwan ng 2024 ng halos apat na porsyento.
Sa Preliminary Report, ibinida ng BOC na nahigitan nila ang kanilang revenue target ng 3.9 percent, sa pamamagitan ng nakolekta nilang 330.27 billion pesos simula Enero hanggang Mayo a-trese.
ALSO READ:
Balance of Payment position, naitala sa 5.66-billion dollar deficit noong 2025
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Sumobra ng 12.41 billlion pesos ang koleksyon ng customs mula sa kanilang 317.87 billion pesos na goal sa loob ng limang buwan.
Sa pagtaya ng BOC, tumaas din ng 7 percent ang kanilang revenue kumpara sa 308.65 billion pesos na koleksyon sa unang limang buwan ng 2023.
