ISINAILALIM sa State of Calamity ang mga lalawigan ng Northern at Eastern Samar kasunod ng malawak na pinsalang iniwan ng Super Typhoon Uwan.
Inanunsyo ng Northern Samar Provincial Government na inaprubahan noong Miyerkules ni Governor Harris Ongchuan, chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang rekomendasyon na magdeklara ng State of Calamity.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Sa tala ng PDRRMC, aabot sa 94,199 ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Uwan mula sa 548 na mga barangay, na karamihan ay mula sa mga munisipalidad ng Biri, Laoang, at Rosario.
Samantala, inaprubahan din ng Eastern Samar Provincial Board ang resolusyon na nagdedeklara ng State of Calamity sa probinsya, kasunod ng pamiminsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan.
Sa inisyal na datos, 323 na kabahayan ang tuluyang nawasak habang 2,529 ang nagtamo ng partial damage habang 47,178 ang displaced families.
