14 November 2025
Calbayog City
Entertainment

Niño Muhlach, nagpaliwanag kung bakit ibinenta ang kanyang FAMAS Trophy kay Bos Toyo

NAGPALIWANAG si Niño Muhlach kung bakit ibinenta niya ang isa sa kanyang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Trophies kay Boss Toyo sa halagang kalahating milyong piso.

Sa “Fast Talk With Boy Abunda,” tinanong ng King of Talk ang aktor kung ano ang nagtulak sa kanya para ibenta ang FAMAS Trophy, gayung alam ng mga tao na marami naman siyang pera.

Sinabi ng dating child star na tinawagan siya ni Boss Toyo at ito mismo ang nag alok na bilhin ang kanyang FAMAS Trophy.

Kwento pa ni Niño, sinabi sa kanya ni Boss Toyo na may nag offer ng FAMAS Award na child star pero hindi nito binili, dahil ang nasa isip lamang nitong child star talaga ay siya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *